Ni Vic Tahud
NAKAPAGTALA ang Department of Foreign Affairs ng aabot sa 82 na panibagong kaso ng COVID-19 sa mga Pilipino na nasa abroad.
Dahil dito, umabot na sa 24,373 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mga overseas Filipino.
Samantala, aabot sa 8, 474 ang aktibong kaso ng COVID-19 na sumasailalim sa treatment.
Kaugnay nito, umabot na sa 14, 441 ang kabuuang bilang ng mga gumaling matapos magkapagtala ang DFA ng apat na panibagong recoveries.
Habang 1,458 naman ang kabuuang bilang ng mga namatay matapos magkaroon ng apat na panibagong nasawi sanhi ng COVID-19.