Ni Vic Tahud
AABOT sa 85% ng mga pasyente ng COVID-19 na nasa mga Intensive Care Units ng mga ospital ng Department of Health (DOH) sa Metro Manila ay hindi pa bakunado.
Ayon sa DOH, napansin nila ang palagiang pagdami ng bilang ng mga naoospital sa Metro Manila sa nakalipas na linggo.
Dagdag pa ng DOH, ang mga ito ay nangangailangan ng mechanical ventilators.
Kaya naman, muling nagpa-alala ang DOH na magpabakuna na kontra COVID-19 lalo na ngayong may banta ng Omicron variant.
Saad ng DOH, may sapat na ebidensya na magpapatunay na ang bakuna ay makatutulong upang hindi magkaroon ng malalang kondisyon ang isang indibidwal na nahawaan ng COVID-19.