Ni Melrose Manuel
BUMABA sa 5.7% ang binabantayang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa mula sa 6.1% noong Sabado.
Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health o DOH, 202,864 ang aktibong kaso sa bansa mula sa higit 3.5 milyon na naitalang COVID-19 case sa bansa.
Ito ay matapos madagdagan ng higit 16,900 na bagong kaso nitong linggo.
Mula sa aktibong kaso, 97.5% ang mild at asyptomatic habang meron namang 327 indibidwal na kritikal.
Samantala, nakapagtala din ang DOH ng 27,638 na gumaling at 20 na nasawi.