Ni Chaddy Castro
ITINAMPOK sa digital billboard sa Times Square sa New York City ang Filipina singer na si Angela Ken.
Ayon sa mang-aawit, siya ang pinakabagong Filipino artist na na-feature bilang bahagi ng Equal Philippines Playlist ng music platform na Spotify.
Hindi ito makapaniwala ngunit malaki ang pasasalamat nito sa mga tagasuporta lalong-lalo na sa Dios sa pagkamit ng kanyang bagong milestone bilang isang artista.
Kaya naman, payo nito sa lahat na huwag sumuko sa pag-abot ng pangarap dahil aniya darating din ito basta’t maniwala lang sa Panginoon.
Si Ken ay sumikat sa kanyang awiting “Ako naman muna,” na ni-release noong nakaraang taon.
Samantala, bukod kay Ken, na-feature din sa billboard ng NYC Times Square ang Pinay singers na sina KZ Tandingan, Ylona Garcia at Nadine Lustre bilang bahagi ng Equal Music Program.