Ni Vhal Divinigracia
NORMAL na ang binabakbakan ay kung sino ang nangunguna sa karera.
Ito ang reaksyon ni presidential aspirant Bongbong Marcos sa panayam ng Sonshine Radio kaugnay sa mga disqualification case na inihain laban sa kanya.
Binigyang-diin ni Marcos na hindi ikinaganda ng buhay ng Pilipino ang pagmumura ng mga kalaban sa kanya.
Kaugnay nito, ang tao na patuloy na sumusuporta sa kanilang pamilya ang syang naging lakas naman niya para harapin ang mga paratang na ito.
Aniya, sa kabila ng apatnapung paninira ng iba sa pamilya Marcos, lumilitaw ngayon kung ano talaga ang pag-iisip ng mga Pilipino.
Sa mga election survey na isinasagawa, ang tandem ni Marcos at Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang palaging nangunguna.
Samantala, ayon kay Marcos, kailangan nang mai-upgrade ang mga disenyo ng evacuation centers sa bansa.
Nakita aniya ito na kakulangan nang mag-ikot ang UniTeam para mamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette.
Sa ngayon naman bilang parte ng relief operations ng kaniyang kampo, construction materials na ang ipinapadala nila para sa mga nasalanta.
Ipinangangampanya na rin ni Marcos na magpabakuna na ang lahat laban sa COVID-19.