Ni Vhal Divinagracia
Maraming trabaho para sa Pilipino.
Ito ang inilatag na plano ni presidential aspirant Bongbong Marcos sakaling manalo ito sa halalan sa Mayo.
Para aniya mapadali ang recovery ng bansa mula sa COVID-19.
Tututok aniya sya sa Micro, Small at Medium Enterprises dahil ito ang mabilis nakakagawa ng trabaho para sa mga Pilipino.
Maliban sa MSMEs, tututok din si Marcos sa agriculture.
Ipagpapatuloy din at mas lalo pang pagagandahin nito ang Build Build Build Program ng Duterte administration.