Ni Chaddy de Castro
IBINUNYAG ng actress at TV host na si Bianca Gonzales sa isang social media post na siya at ang kanyang pamilya ay nakaligtas na sa COVID-19 matapos makumpleto ang isolation at gumaling mula sa mild symptoms.
Hinikayat din nito ang lahat ng nakikipaglaban pa rin sa virus sa pamamagitan ng mga simple tips.
Aniya, habang nasa isolation ay dapat magkaroon ng routine para maramdaman na may kontrol sa isang bagay.
Binigyang-diin din niya ang pagkakaroon ng “sapat” na tulog, lalo na sa gabi at magpaaraw kung maaari.
Dahil ang pagkuha aniya ng araw sa umaga ay may natural na Vitamin D na napakabuti para sa kalusugan.
“Keep in touch with friends” din aniya upang maiparamdam sa mga kaibigan na kasama sila.
Dagdag pa ni Bianca, subukan din ang pag-aaral ng bagong bagay upang mabawasan ang pag-aalala tungkol sa coronavirus.