Ni Vic Tahud
ISASAILALIM sa Alert Level 3 simula ika-5 hanggang ika-15 ng Enero ang Bulacan, Cavite at Rizal dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ito ang inihayag ni acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na aprubado ng Inter-Agency Task Force.
Una nang isinailalim sa Alert Level 3 ang Metro Manila mula ika-3 hanggang ika-15 ng Enero.
Sa ilalim ng Alert Level 3, papayagan ang mga establisyemento na mag-operate ng 30% ng indoor capacity para sa mga fully vaccinated at 50% naman para sa mga outdoor venue capacity at dapat fully vaccinated ang mga tauhan.
Samantala, bawal ang mga face-to-face classes, contact sports, funfairs/perya at casino sa ilalim ng Alert Level 3.
Bukod pa rito, limitado hanggang 60% ang mga onsite capacity ng mga government office.