Ni Vhal Divinagracia
NAGSASAGAWA ng reshuffling ang Commission on Elections (COMELEC) sa kanilang field officials.
Isinasawa ito ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez bawat eleksyon.
Para maiwasan na rin aniya ang familiarity ng COMELEC officials at local politicians.
Unang nagsagawa ng reshuffling sa mga regional director apat na buwan na ang nakalipas.
Nai-reshuffle na rin ang assistant regional directors at provincial supervisors.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang reshuffling sa mga election officer.
Ibinahagi naman ni Jimenez na nagsasanay sila ng regional spokespersons mula sa mga regional directors, provincial election supervisors at iba pa ng COMELEC.