Ni Karen David
BUKAS na muli sa publiko ang Maynila Baywalk Dolomite Beach ngayong araw.
Sa unang araw ng pagbubukas ng Dolomite Beach ngayong 2022, mahigpit na ipinatutupad dito ang “No Vax, No Entry.”
Nasa 150 katao lamang na walk-in o nag-register online ang maaaring makapasok sa bawat nakatakdang oras.
Ang mga oras ng pagpapasok sa umaga ay sa ganap na 6:30 a.m.-7:30 a.m, 8:00 a.m.-9:00 a.m., 9:30 a.m.-10:30 a.m., at 11:00 a.m.-12:00 p.m., habang sa hapon naman ay 1:30 p.m.–2:30 p.m., 3:00 p.m.-4:00 p.m., at 4:30 p.m.-5:30 p.m.
Mahigpit namang ipinagbabawal ang pagpasok ng mga batang may edad 11-anyos pababa.