MAY political will ang Duterte administration para gawin ang mga proyektong ikabubuti sa bansa.
Ito ang kaibahan ng kasalukuyang pamahalaan kung ikukumpara sa iba ayon kay Department of Transportation o DOTr Undersecretary Timothy John Batan sa panayam ng Sonshine Radio.
January 18 nang naigawad na ng DOTr ang P142-B para sa 380-km railway project sa China Railway Group Ltd., China Railway No. 3 Engineering Group Co. Ltd., at China Railway Engineering Consulting Group Co. Ltd.
Kasama rin sa contract ang disenyo, konstruksyon at electromechanical works ng proyekto.
Saklaw ng naturang 380-km project ay ang tatlumput siyam na mga syudad at munisipalidad sa apat na probinsya at dalawang rehiyon.
Maliban pa dito ay kasama rin sa konstruksyon ang dalawampu’t tatlong estasyon, dalawang daan at tatlumpung tulay, sampung passenger tunnels at isang pitumpung ektaryang depot sa San Pablo, Laguna.
Kung makukumpleto na ito ay magiging apat na oras na lang ang travel time mula Calamba, Laguna papuntang Albay mula sa labing dalawang oras.
Binigyang-diin ng DOTr na ang 380-km project ay unang bahagi pa lang ng kabuoang 565-km PNR Bicol Project.