Ni Chaddy Castro
MAKAKASALI pa rin ang Olympian pole vaulter na si EJ Obiena sa 31st Southeast Asian Games na magaganap sa Mayo 12-23 kahit na hindi siya i-eendorso ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) at hindi popondohan ng Philippine Sports Commission (PSC).
Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham Tolentino, nakalista si Obiena sa 80 atleta na tutustusan ang sarili nilang biyahe sa biennial event sakaling mapatalsik ito sa national team.
Ito ang pahayag ni Tolentino matapos pormal na tanggihan ni Obiena ang mediation na iminungkahi ng PSC.
Samantala, dagdag pa ng POC President, na kung hindi i-eendorso o bibigyan ng pondo si Obiena, ay tutulungan siya ng POC at maghahanap ng private funding.