Ni Melrose Manuel
HINDI dapat isama ang general public sa pinaiksing quarantine period.
Ito ang apela ni Philippine College of Physicians President Dr. Maricar Limpin kasunod sa bagong polisiya ng Department of Health hinggil sa isolation period.
Ayon kay Limpin, suportado nila ang pagpapaiksi ng isolation period ngunit para lamang sa mga fully vaccinated na healthcare workers.
Sa pinaikling isolation period, ang mga pasyente na may sintomas, mild cases at asymptomatic ay tatagal ng pitong araw habang sampung araw sa mga hindi bakunado.
Posible pa kasi aniyang makapanghawa ang mga indibidwal na infected sa virus sa loob ng anim hanggang sampung araw.
Samantala, dinipensahan naman ng DOH ang bagong quarantine period at iginiit na pinag-aralan ito ng mga dalubhasa.