Ni Vic Tahud
INIHAYAG ni weightlifting champion Hidilyn Diaz na may bago itong goal ngayong 2022.
Walang iba kundi ang manalo ito sa 2024 Paris Olympics.
Noong Sabado, ang kauna-unahang Filipino Olympic Gold Medalist ay nag-post ng kanyang maliit na photo sa replika ng Eiffel Tower na may caption na “New Year, New Beginning, New Goal”.
Kaugnay nito, sinabi ng kanyang coach at fiance na si Julius Naranjo na ang team HD ay committed na gawin ang lahat para sa Pilipinas.
Dagdag pa nito, ang paglalakbay ni Diaz ay inspiring sa nakararami at hindi pa tapos ang kanilang trabaho para sa 2024.
Samantala, magkakaroon pa rin ng weightlifting sa 2024 Paris Olympics ngunit inalis ito kasama ang boxing at modern pentathlon sa initial list ng 2022 Los Angeles Games.