Ni Karen David
KASALUKUYAN ngayong nakalockdown ang House of Representatives bilang preventive measure kontra sa Omicron variant ng COVID-19.
Ito ang inanunsyo ni House of Representatives Secretary General Mark Mendoza ngayong araw sa gitna ng biglang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Mendoza, naka-lockdown ang Kamara ng buong linggo upang maiwasan ang pagkalat ng Omicron variant at matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga miyembro at mga empleyado.
Magbabalik ang operasyon ng Kamara sa susunod na linggo.