Ni Vic Tahud
NAGPAPASALAMAT ang kampo ni former Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa desisyon ng Commission on Elections na ideklara bilang “nuisance” candidates ang iba pang mga Marcos na sina Tiburcio Marcos at Maria Aurora Marcos para sa 2022 national elections.
Ayon sa spokesperson ni Bongbong na si Atty. Vic Rodriguez, ang aksyon na ito ng COMELEC ay paggalang sa demokrasya at pag-respeto sa eleksyon.
Naniniwala ang kampo ni Bongbong na ito ay bahagi ng estratehiya ng ibang political camp upang lituhin ang mga tao.
Una nang tinanggihan ng COMELEC ang petisyon na ideklara na “nuisance” candidate si Bongbong.
Dahil dito, mananatiling standard bearer sa Partido Federal ng Pilipinas si Bongbong kasama ang kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte.