Ni Vic Tahud
BUMABABA na ang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region, Batangas, Cavite, Laguna at Rizal ayon sa OCTA Research Group.
Ayon kay OCTA Fellow Dr. Guido David, naging “moderate risk” na lamang ang classification sa Rizal habang ang NCR, Batangas, Cavite, Laguna at Quezon ay high risk.
Samantala, ang Rizal ang may pinakamababang reproduction rate na 0.69 kumpara sa ibang probinsya ng Calabarzon habang ang Quezon naman ang pinakamataas o 1.35.
Bumaba naman ang reproduction rate sa NCR mula 0.52 hanggang 0.62 nitong Huwebes.
Ang reproduction rate ay tumutukoy sa bilang ng mga tao na nahahawaan ng isang kaso at ang reproduction number na mababa pa sa uno ay nangangahulugan na ang hawaan ng virus ay bumabagal.