Ni Karen David
WALANG magiging physical mass sa Quiapo Church sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno ngayong taon.
Ito ang inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno bukod sa pagkansela sa Traslacion 2022 sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.
Sinabi rin ni Moreno na muling ipatutupad ang liquor ban sa lungsod.
Epektibo ito simula alas 6 ng gabi sa Enero 8 hanggang alas 6 ng umaga sa Enero 10.