Ni Vic Tahud
BUBUKSAN ng lungsod ng Maynila ang Manila Zoo ngayong araw para sa mga gustong bumisita at gustong magpabakuna.
Ito ay magiging vaccination site para sa mga kabataan na may edad 12-17 years old.
Bukod pa rito, puede ring magpabakuna ang mga magulang, lola at lolo ng mga bata.
Kaugnay nito, maaaring mamasyal ang mga magpapabakuna sa Manila Zoo ngunit lilimitahan lamang ang mga bisita hanggang 1,000 katao kada araw.
Para sa mga gustong mamasyal sa Manila Zoo, puedeng magpa-rehistro sa www.manilazoo.ph.