Ni Vic Tahud
AABOT sa 11,500 na mga manggagawa ang nawalan ng trabaho dahil sa pinaiiral na Alert Level 3 sa Metro Manila at sa iba pang bahagi ng bansa.
Ito ay ayon mismo kay Department of Labor and Employment Secretary (DOLE) Silvestre Bello III.
Sa kabila nito, mas mababa ito sa inaasahan nilang 100,000 hanggang 200,000 na mga manggagawa na mawawalan ng trabaho.
Ani Bello, may mga trabahante na hindi nawalan ng trabaho ngunit binawasan ang oras o araw ng kanilang trabaho sa ilalim ng flexible working arrangement.
Dahil dito, bumaba rin ang sweldo na matatanggap ng mga trabahante.
Sa ngayon, aabot sa 20,000 na mga manggagawa ang apektado ng flexible working arrangement at mahigit 600 na establisyemento ang nagsara.
Kaya naman, tuloy-tuloy ang pagtulong ng DOLE sa mga nawalan ng trabaho sa ilalim ng tulong panghanapbuhay sa ating disadvantaged/displaced workes o TUPAD Program.