Ni Vhal Divinagracia
NAIBAHAGI ni Maxene Magalona ang sekreto kung paano magkaroon ng magandang mood at well-being.
Aniya, may anim na hakbang upang makamit ito.
Una ang paglalakad-lakad, pakikipagkomunikasyon sa inang kalikasan, “Go For a Run”, “Get Some Sun”, meditate at lalong-lalo na ang pagdarasal.
Aniya, may opsyon naman ang isang tao na manatili na lang sa dilim subalit mas ikakaganda kung piliing hanapin ang liwanag dahil masisilayan dito ng isang tao ang kapangyarihan ng Panginoon.
Dagdag pa nito, dito makikita aniya na ginagabayan ka ng Poong Maykapal sa lahat na ginagawa mo araw-araw.