Ni Arjay Adan
SINABI ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na nasa 32,000 na kabahayan ngayon ang nakasailalim sa lockdown sa kalagitnaan ng biglaang pagtaas ng COVID-19 infections.
Sa ngayon ay mayroong 34,000 na aktibong kaso ng COVID-19 ang Quezon City at sa kabila nito ay hindi nagpatupad ang lokal na pamahalaan ng granular lockdowns kundi house-to-house lockdowns.
Ayon kay Belmonte, hindi na sila magpatutupad ng granular lockdown dahil kung ganoon ay buong lungsod ang isasailalim dito kung kaya’t house-to-house lockdown na lamang ang ipinatupad nito.
Sa ilalim ng house-to-house lockdown policy, ang buong miyembro ng pamilya na nakatira sa iisang bahay ay hindi maaaring lumabas kung may isa sa mga miyembro nito ang nagpositibo sa virus.