Ni Melrose Manuel
KINUMPIRMA ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na may community transmission na ng Omicron variant sa Metro Manila.
Ito ay matapos makapagtala ng pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Sabado.
Ayon kay Vergeire, may nadetermina na silang local cases ng Omicron kahit hindi nakakahabol ang ginagawa nilang genome sequencing.
Nakikita din ng DOH ang mabilis na pagkalat ng virus na siyang katangian ng Omicron variant.
Sa ngayon, nakapagtala na ang bansa ng 43 Omicron variant cases kung saan 21 ang local cases at 22 ay international travelers.
Mababatid na ang community transmission ay nangangahulugan na mayroon ng clustering ng mga kaso ng sakit at hindi na matunton ang pinagmulan nito.