Ni Melrose Manuel
NAKATUTOK ngayon ang pamahalaan sa kasalukuyang nangyaring hostage taking sa isang barko sa bansang Yemen sa bahagi ng Red Sea.
Kinumpirma ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac na may isang Pinoy ang nakasama sa barko.
Maselan din aniya ang nasabing sitwasyon dahil kilalang international militant organization ang sangkot sa pagtake-over ng barko.
Kailangan din aniya ng mga dalubhasa talaga sa terorismo at seguridad ang nakatutok dito.
Isinangsangguni rin aniya nila sa Department of Foreign Affairs bilang kinatawan sa larangan ng politika at seguridad ng mga kababayang nasa abroad.