Ni Arjay Adan
HINDI na tatanggap ng covid at non-COVID-19 patients ang Pasay City General Hospital o PCGH matapos nitong maabot ang full capacity nito.
Sinabi ni PCGH Officer-In-Charge Dr. John de Gracia na ang mga intensive care unit, ward beds, emergency rooms at isolation units para sa COVID-19 cases ng ospital ay nasa full capacity na.
Dagdag ni Dr. De Gracia, hindi na rin tatanggap ang ospital ng non-covid patients bunsod ng kakulangan sa mga tauhan.
Sa ngayon, 44 na nurse na ng PCGH ang nagpositibo sa virus o nakakuha ng sintomas ng COVID-19.
Tumaas sa 810 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Pasay mula sa isa lamang noong Dec. 10.