Ni Vhal Divinagracia
Para sa fans ng Percy Jackson!
MALAPIT nang masisilayan ang series adaptation ng “Percy Jackson and the Olympians” sa Disney+.
Kinumpirma ito ng mismong author ng book series na si Rick Riordan.
Mismong si Riordan naman at ang British director na si James Bobin ang director ng pilot episode ng show.
Ang Percy Jackson and the Olympians ay isang pentalogy fantasy book series kung saan ang setting nito ay mid-2000s.
Dito isang lalaki na nagngangalang Percy Jackson ang nakadiskubre na anak sya ni Poseidon, ang god ng underworlds.
Ang unang dalawang libro ng series ay nauna nang naisagawa bilang pelikula sa pamamagitan ng 20th Century Fox.
2010 ang The Lightning Thief habang 2013 ang Sea of Monsters.