Ni Vhal Divinagracia
PINAG-AARALAN na ng Pfizer ang pagkakaroon ng bagong bersyon ng kanilang bakuna.
Ayon kay Pfizer Vaccine Research and Development Head Kathrin Jansen,
layunin nito ang maging booster shot laban sa Omicron variant.
Sa kanilang pag-aaral, nakalulusot kasi anila ang Omicron sa proteksyon na ibinibigay ng orihinal nilang two-dose vaccine.
Tinitingnan na rin nila ang pagkakaroon ng fourth dose para sa mga taong nauna nang nakatanggap ng third dose.
Nilinaw naman ng Pfizer na nakadepende parin sa clinical trial data na kinakailangan ng regulators para mangyari ang planong paglulunsad ng Omicron-targeting vaccine sa huling bahagi ng Marso.