Ni Vic Tahud
TINATANGGAP ni Philippine National Police Chief General Dionardo Carlos ang komento ni presidential aspirant at Senator Panfilo Lacson hinggil sa anti-drug war campaign ng administrasyon.
Saad pa ni Carlos, bukas ang PNP sa anumang komento na makapagpapabuti pa sa war on drugs ng gobyerno.
Dagdag pa ni Carlos, nirerespeto niya ang obserbasyon ni Sen. Ping at ginagawa nila ang kanilang mga trabaho.
Aniya, kung may mas mabuting paraan para gawin ito, ito ang kanilang gagawin sapagkat patuloy ang revision nito.
Magugunitang inihayag ni Lacson na dapat ang anti-drug campaign ay holistic at comprehensive.
Dagdag pa ni Lacson, nakatuon ang adminsitrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa duterte sa pagpatutupad ng batas at hindi sa prevention at rehabilitation.