Ni Karen David
MAGDEDEPLOY din ang Philippine National Police (PNP) ng kanilang mga tauhan bilang “mystery passengers” para matiyak ang pagsunod sa “No Vaccination, No Ride” policy sa Metro Manila.
Ayon kay PNP Spokesperson Roderick Alba, gagawin nila ito sa susunod na mga araw.
Ani Alba, kukunin ng kanilang “mystery passengers” ang plate numbers at ruta ng mga public utility vehicles na hindi susunod sa polisiya at irereport sa mga concern authorities.
Kahapon, sinimulan ng Department of Transportation ang pagdeploy ng kanilang “mystery passengers” kasabay ng unang araw ng pagpatutupad ng “No Vaccination, No Ride” policy.