Ni Melrose Manuel
NAIS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bumalik sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette.
Sa kanyang Talk to the People Address, sinabi ng Pangulo na gusto niyang makita ang binigay ng iba’t-ibang ahensiya sa mga apektado ng bagyo.
Ayon pa kay Pangulong Duterte, dapat mabakunahan laban sa COVID-19 ang mga nasa evacution centers para sa kanilang kaligtasan.
Batay sa huling datos ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, nasa 339,000 indibidwal ang kasalukuyang nasa evacuation centers o sa mga kamag-anak.
Patuloy din ani Jalad ang distribusyon ng emergency shelter materials sa mga nasalanta.