Ni Vic Tahud
INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the People na ang COVID-19 pa rin ang nangungunang banta sa Pilipinas maliban sa New People’s Army at terorista.
Magugunitang, sunod-sunod na nakapagtalaga ang bansa ng matataas ng bilang ng daily COVID-19 cases pagkatapos ng holiday season.
Aminado ang Pangulo na nababahala ang bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso dahil na rin sa mabilis na makahawa na Omicron variant.
Umaasa si Pangulong Duterte na naaabot na ng bansa ang peak ng COVID-19 ngunit ayon sa DOH, hindi pa ito nangyayari.
Dahil dito, hinikayat ni Pangulong Duterte ang lahat na magpabakuna na kontra COVID-19.