Ni Chaddy Castro
NAGPAHAYAG ng pasasalamat ang beteranang aktres na si Susan Roces sa publiko sa pagpaparangal sa kanyang yumaong asawa na si Fernando Poe Jr.
Ito’y matapos pirmahan kamakailan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang batas ang panukalang naglalayong parangalan ang yumaong aktor sa pamamagitan ng pagpapalit ng pangalan sa Roosevelt Avenue sa Quezon City bilang FPJ Avenue.
Ani Roces, nawa’y maging inspirasyon sa lahat ng dadaan sa nasabing abenida ang pagpapakumbaba, pakikiramay sa iba, at pagmamahal sa sining ng yumaong action star.
Nagpahayag din ng pasasalamat ang isa sa mga anak ni FPJ na si Sen. Grace Poe sa nasabing batas sa kanyang Facebook page.
Si Fernando Poe Jr. na binansagang “The King” of Action Movies ay bumida sa humigit-kumulang tatlong daang pelikula sa kanyang apatnapu’t anim na taong karera sa pelikula
Samantala, noong 2012 idineklara naman si Poe bilang isang national artist.