Ni Vhal Divinagracia
PAGSASAAYOS ng supply ng tubig sa Olongapo ang isa sa unang tututukan ng isang mayoral aspirant.
Sa panayam ng Sonshine Radio kay Arnold Vegafria, tatakbong mayor sa nabanggit na syudad, sisilipin nya kung ano na ang nangyayari sa water provider nila na Prime Water dahil ito aniya ang ugat ng problema ng supply.
Ibinahagi rin ni Vegafria na sakaling manalo, dadagdagan nya ang ospital sa Olongapo dahil nag-iisa lang aniya ito sa lungsod sa kabila ng pagkakaroon ng malaking populasyon nito.
Katuwang naman si Zambales First District Congressional candidate Mitos Magsaysay, ay magtatayo sila ng economic zone para mas umangat pa ang ekonomiya ng Olongapo.
Maliban pa dito, sinimulan na rin ni Vegafria na mag-rollout ng mga solar light sa Olongapo.
Napag-alaman na malaki pala ang utang ng syudad sa National Power Corporation o NAPOCOR kung kaya’t sa tingin nya ay nagtitipid sila ng ilaw sa mga kalye.
Isusulong din nya ang modernization at computerization ng city hall at ng ibang ahensya sa Olongapo.