Ni Vhal Divinagracia
PAPAHINTULUTAN hanggang tatlumpung araw na lang simula ngayon, January 26 ang mga unvaccinated at partially vaccinated workers na makasakay sa public transport.
Ayon ito sa Department of Transportation para sa mga manggagawang nagtatrabaho sa mga industriya at establisyimento na pinayagang mag-operate sa ilalim ng Alert Level 3 sa Metro Manila.
Nauna nang sinabi ni Department of Labor and Employment o DOLE Sec. Silvestre Bello na exempted ang mga trabahante sa “No Vaccination, No Ride” policy dahil essential ang kanilang serbisyo.
Kung matatandaan, maraming essential workers ang hindi nakasakay sa unang araw ng pagpatutupad ng “No Vax, No Ride” policy dahil hindi pa nakatanggap ng pangalawang dose ng COVID-19.
Sa “No Vax, No Ride” Policy, ipinagbabawal makasakay sa pampublikong transportasyon ang mga hindi fully-vaccinated laban sa COVID-19.