Ni Vhal Divinagracia
TUTUNGO si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa Ukraine.
Sa isang social media post, layunin ni Locsin na personal na silipin ang kalagayan ng mga Pilipino sa bansa lalo na’t sinimulan na ng Russia ang pag-atake sa Ukraine.
Sasama kay Locsin sina Foreign Assistant Secretary Jet Leda at si Protocol Officer George Pineda.
Sa kasalukuyan, anim na mula sa kinilalang isang daan at walumput isang Pilipino sa Ukraine ang nai-repatriate na ng Pilipinas.
Samantala, nagpapasalamat din si Locsin sa bansang Poland dahil kinupkop nito ang mga Pilipino mula sa Ukraine kahit hindi na magpakita ng visa.