Ni Chaddy de Castro
NAITALA ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena ang kanyang unang gintong panalo ngayong taon nang manguna ito sa Orlen Cup sa Poland kamakailan.
Nakuha ni Obiena ang isang Season-Best na 5.81 metro sa kanyang unang pagsubok na manalo sa torneo pagkatapos na makapasok sa ikawalong puwesto dalawang araw ang nakalipas sa Beijer Stavhoppsgala Uppsala sa Sweden.
Matatandaang nakipaglaban siya sa parehong marka sa torneo na pinamunuan ng world record holder at Olympic champion na si Armand Duplantis.
Sa pagkakataong ito, naabot ni Obiena ang 5.90 at 5.95 m at nakapagtala ng bagong Asian record na 5.93 m.
Samatala, sa kabila ng mga pinagdadaanan ngayon sa karera, ipinapakita lamang ni EJ kung bakit isa siya sa maituturing na pag-asa ng Pilipinas para sa World Athletics Glory.