Ni Karen David
MATUMAL pa rin ang turnout ng isinasagawang ikatlong “Bayanihan Bakunahan” ng pamahalaan.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotajena nasa 2.6 milyon pa lamang ang nabakunahan simula noong Pebrero 10.
Ito ay mula aniya sa limang milyon na target na mabakunahan sa ikatlong national vaccination drive.
Ayon kay Cabotaje, kailangan paspasan pa ang pagbabakuna para makamit ang target.
Bukas, Pebrero 18 ay nakatakdang magtapos ang ikatlong vaccination drive ng pamahalaan.