Ni Vhal Divinagracia
SINABI ni Manila Mayor at presidential candidate Isko Moreno na hindi niya pinagsisisihang mangampanya sa Mindanao.
Itoy dahil napakaganda at mainit na pagmamahal at suporta ang ipinakita ng mga ito sa kanyang pag-iikot.
Kung matatandaan, inumpisahan ng ticket ni Moreno ang pangangampanya sa Maguindanao para sa kanilang Mindanao leg campaign.
Cotabato naman ang tinungo nito kahapon, February 21 para sa kanilang pangalawang araw dito.
Kasama sa pag-iikot ni Moreno sina Carl Balita, Samira Gutoc at Jopet Sison bilang mga senatorial candidate nito.