Ni Chaddy de Castro
WALANG ibang hiling si Kris Aquino para sa kanyang ika-51 kaarawan sa Araw ng mga Puso kundi panalangin.
“Prayers are highly appreciated”, ito ang hiling ni Kris sa kanyang social media post, lalong-lalo na aniya para sa kanya, sa mga taong mahal niya at ng kanyang kapatid na si dating Pres. Benigno “Noynoy” Aquino III.
Dagdag pa ng aktres na mas makabubuti kung ang mga Pilipinong higit na nangangailangan aniya ang bigyan ng regalo sa halip na buhusan siya ng mga regalo tulad ng cake, bulaklak, at lobo.
Matatandaang matapos ihayag ni Kris ang paghihiwalay nila ng dating Interior Secretary na si Mel Sarmiento, nilinaw ni Kris na wala siya sa kritikal na kondisyon.
Wala rin siya sa ICU at lalong-lalo na hindi pa siya patay aniya.