SMNI News
INIREREKOMENDA ng mga alkalde sa Metro Manila na panatilihin ang COVID-19 Alert Level 2 status sa buong NCR hanggang sa katapusan ng Pebrero.
Ito ay ayon mismo kay Parañaque City Mayor at Metro Manila Council o MMC Chairman Edwin Olivarez.
Dagdag pa ni Olivarez, naisumite na rin ng MMC ang rekomendasyon nito sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.
Maging si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire naman ay hindi rin kumbinsidong ibaba sa Alert Level 1 status ang NCR dahil sa aniya ay nasa moderate risk pa rin ang case trend ng COVID-19.