Ni Vhal Divinagracia
IPAPATIGIL na muna ang e-sabong operation sa buong bansa.
Kasunod ito sa pagkawala ng aabot sa tatlumput isang sabungero mula sa tatlong major venues gaya ng sa arena sa Sta. Cruz, Laguna, isa sa Manila at isa sa Lipa City, Batangas na pawang pagmamay-ari ni Atong Ang.
Sa panayam naman ng Sonshine Radio kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, chairperson ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, unti-unti nang naging malinaw para sa kanila ang nangyaring insidente matapos ang testimonya ng isang nakatakas na sabungero.
Ayon dito, nai-hold ang mga kasamahan nyang sabungero.
Ibinahagi na rin ni Dela Rosa kung ano ang rason ng pangho-hold sa mga sabungero batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon.
Tiniyak naman ni Dela Rosa na tutukan nila ang isyung ito dahil napakabigat aniya nitong insidente.
Samantala, ipapatawag nila sa Senate hearing si Atong ang dahil ito ang may-ari ng tatlong major areas kung saan nawawala ang mga sabungero.
Naniniwala si Dela Rosa na retirado, na-dismiss o kaya’y tampalasang pulis ang nasa likod nito.
Posibleng patay na rin aniya ang mga sabungero dahil mahaba na ang apat na put walong oras nilang pagkawala at ang iba pa ay noong nakaraang taon pa missing.