Ni Karen David
INAPRUBAHAN na ng Inter-Agency Task Force na tanggapin at kilalanin sa Pilipinas ang national vaccination certificate ng walo pang bansa para sa travel purposes.
Ito ang inanunsyo ni Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles ngayong Lunes.
Ang walong bansang nadagdag ay ang Egypt, Maldives, Palau, Albania, Estonia, Greece, Malta, at Uruguay.
Una nang kinilala ng bansa ang vaccination certificate ng Argentina, Brunei Darussalam, Cambodia, Chile, Denmark, Ecuador, Indonesia, Myanmar, Papua New Guinea, Peru, Portugal, Spain, Azerbaijan, Macau Sar, Syria, Slovenia, Bahrain, Qatar, Switzerland, Hong Kong, Brazil, Israel, South Korea, at Timor Leste.
Inaatasan naman ng IATF ang Bureau of Quarantine, Department of Transportation One Stop Shop, at Bureau of Immigration na kilalanin lang ang mga patunay ng pagbabakuna na naaprubahan ng IATF.