Ni Vhal Divinagracia
MAS maganda maging operational pa rin ang One Hospital Command Center o OHCC kahit pa matapos na ang pandemya.
Ayon kay Department of Health o DOH Undersecretary Leopoldo Vega, nakatutulong ang OHCC sa pagsasagawa ng maayos na patient referral at iba pang medical services para sa publiko.
Hinalimbawa ni Vega na sakaling may nangangailangan ng heart surgery sa Mindanao ngunit walang may kakayahang isagawa ito, agarang mai-refer aniya ito sa ibang ospital.
Hiniling na rin ani Vega ng DOH na ma-institutionalize na ang OHCC.
Pinapalakas na rin nila ang kanilang connectivity sa mga ospital sa buong bansa sa pamamagitan ng teknolohiya.
Ang OHCC ay syang nagsasagawa ng comprehensive at coordinated response sa COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng epektibo at de kalidad na health facility referral sa Metro Manila.