Ni Vic Tahud
SANG-AYON si presidential candidate Manny Pacquiao na magbenta ng gamot ang mga sari-sari store.
Ayon kay Pacquiao, hindi ito makatarungan para sa mga mahihirap at mga nakatira sa liblib na lugar.
Ito ang naging pahayag ni Pacquiao ukol sa kautusan ng Department of the Interior and Local Government na bawal magbenta ng over-the-counter na medisina ang mga sari-sari store nang walang pahintulot.
Aniya, dagdag pasanin sa mga may-ari ng maliliit na tindahan ang pagkuha ng mga permit.
Dagdag pa nito, ang tindahan ang pinaka-accessible na mapagbibilhan ng mga gamot na hindi na kailangan pa ng reseta ng doktor para sa lagnat, trangkaso, dysmenorrhea o pananakit ng tiyan at katawan.
Aniya, hindi lahat ng lugar ay malapit sa mga drug store at hindi bukas sa loob ng 24 oras.
Samantala, hinikayat din ni Pacquiao ang gobyerno na magsagawa ng kampanya kontra smuggling ng mga pekeng gamot.