Ni Vhal Divinagracia
MAKATUTULONG sana sa isang kandidato na maghakot pa ng karagdagang boto kung dadalo ito sa mga debate gaya na lang sa inorganisa ng SMNI News.
Ayon kay professor at political analyst Anna Malindog-Uy sa panayam ng SMNI News, sa mga debate kasi masusukat ang kahandaan at kakayahan ng isang kandidato para mamuno sa bansa.
Subalit dahil apat sa mga presidential candidate ang hindi dadalo sa SMNI debates, sinasayang lang nila ang oportunidad na ito.
Hinggil sa SMNI debates, sinabi ng professor na napaka babaw ng mga rason na ibinigay ng mga presidential candidates na hindi dadalo dito.
Ginawa pa aniyang rason na may pinanigan ng kandidato ang honorary chairman ng SMNI na si Pastor Apollo C. Quiboloy kung kaya’t hindi na dadalo.
Ani Malindog-Uy, hindi naman si Pastor Apollo ang magtatanong kundi ang mga panelist na mula sa iba’t ibang sektor.
Sa mga presidential candidate, sina Manila Mayor Isko Moreno, Senators Ping Lacson at Manny Pacquiao at Vice President Leni Robredo ang hindi dadalo sa SMNI debates ngayong araw, February 15.
Samantala, bilang paglilinaw, wala pang iniendorso na kandidato si Pastor Apollo at puro haka-haka lang ang mga naglabasang mga ulat hinggil dito.