Ni Vhal Divinagracia
KAILANGAN na ng ibang estratehiya para makumbinsi ang hindi pa nagpapabakuna na magpaturok na ng vaccine laban sa COVID-19.
Sa tala na ibinahagi ni DOH Spokesperson Maria Rosario Vergeire, umabot lang sa 3.5 milyong indibidwal ang nabakunahan sa pangatlong Bayanihan, Bakunahan Program kamakailan.
Kung matatandaan, isinagawa ang 3rd vaccination noong February 10 hanggang 18.
Inisyal kasi nilang target ay limang milyong indibidwal.
Dahil dito, sinabi ni Vergeire na maganda kung maikonsidera ang pagsasagawa ng house-to-house vaccination sakaling magkaroon muli ng national vaccination.
Ipinaliwanag naman ni Vergeire na may shortage ng healthcare workers noong 3rd national vaccination dahil kasabay din ang rollout ng 5-11 vaccination.