Ni Melrose Manuel
KAILANGAN pang mag doble kayod ngayon ang pamahalaan sa pagtuturok ng bakuna.
Ayon kay National Vaccination Operation Center (NVOC) Chair Health Undersecretary Myrna Cabotaje, kailangan pang maitaas ang vaccination rate sa ilang lugar sa bansa.
Mataas pa kasi aniya ang vaccine hesitancy lalo na sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kung saan nasa 25% pa lamang sa kanilang target population ang nakatanggap ng kumpletong bakuna.
Kasama rin sa lugar na kailangan na pataasin ang vaccination rate ang Region 12 na nasa 54%, Central Visayas at Region 7.