Ni Karen David
NALAMPASAN na ng Pilipinas ang crisis stage ng COVID-19 pandemic.
Ito ang inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III sa isang panayam sa radyo.
Ayon kay Duque, bumuti na ang bilang ng two-week growth rate, Average Daily Attack Rate (ADAR) at healthcare utilization sa buong bansa.
Sinabi ng kalihim na nasa –81% ang two-week growth rate sa Pilipinas habang ang ADAR ay nasa 7 cases per 100,000 population na ikinokonsiderang “low risk.”
Gayunpaman, sinabi ni Duque na hindi siya naniniwala na malapit na ang panahon ng pagtanggal ng mandatory face mask policy lalo na aniya ngayon na may campaign rallies.
Una nang sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na posibleng alisin na ang mandatory na pagsusuot ng face mask sa ika-apat na bahagi ng taon.