Ni Chaddy Castro
NA-FEATURE kamakailan sa isang giant billboard sa New York Times Square ang pinakabagong Filipino artist at indie singer na si Clara Benin.
Sa kanyang social media post, ibinahagi ng “wine” singer ang mga larawan na itinampok sa nasabing billboard.
Pinasalamatan din nito ang Spotify para sa pag-feature ng kanyang kanta.
Dagdag pa nito sa kanyang caption nawa’y naantig at makapagbigay inspirasyon ang nasabing awitin sa mas maraming tao.
Si Clara ay ang anak ng side a songwriter at bassist na si Joey Benin.
Itinampok siya bilang bahagi ng EQUAL program ng Spotify na nagha-highlight ng mga babaeng musikero sa buong mundo.
Matatandaang nai-feature din sina Nadine Lustre, KZ Tandingan, Belle Mariano at Ylona Garcia sa parehong Spotify campaign.