Ang Kabuuan ni Kristo
Ang hugis ng isang kalapati at ang boses ay mga manipestasyon ng Omnipresenteng Diyos. Ang hugis ng kalapati ay isang nakikitang manipestasyon samantalang ang boses mula sa kalangitan ay ang naririnig na manipestasyon na siyang nagsasagisag ng parehong
espiritu na siyang si Kristo.
Gamitin natin ang sasakyan bilang halimbawa. Binubuhay mo ang makina kapag paaandarin mo na ang sasakyan. Ito ay nagbibigay ng ingay at ang tambutso ay lumilikha ng usok. Mayroon bang isang makina para sa ingay at isang makina para sa usok? Wala. Mayroon
lamang isa ngunit may dalawang manipestasyon ng makina. Ito ang usok at ingay ng makina.
Sa panahon ni Moises, nang makita niya ang nag-aapoy na palumpong; ilang manipestasyon ang nandoon? Dalawa — ang naririnig at nakikita. Nakita niya ang nag-aapoy na palumpong. Ito ay nakikita. At narinig niya ang isang boses, “Moises, hubarin mo ang iyong
panyapak sa iyong mga paa sapagkat ang dakong iyong kinatatayuan ay banal na lupa.” Ito ay naririnig. Ito ang manipestasyon ng Diyos. Sila ay hindi dalawang magkaiba, magkahiwalay na mga persona; kaya nga si Juan ay nagpatotoo na nagsabi, “Nakita ko ang
Espiritu na bumababang tulad ng isang kalapati na buhat sa langit; at dumapo sa kaniya. At siya’y hindi ko nakilala; datapuwa’t ang nagsugo sa akin upang magbautismo sa tubig ay siyang nagsabi sa akin, ‘Ang makita mong binabaan ng Espiritu at manahan
sa kanya ay siya nga ang nagbautismo sa Espiritu Santo. At aking nakita at pinatotohanan kong ito ang Anak ng Diyos.” (Juan 1:32-34).
ANG KABUUAN NI KRISTO
Si Hesu Kristo ay napatunayang nagbautismo sa Espiritu Santo. Paano Siya magbabautismo sa Espiritu Santo kung Siya ay hiwalay at kaiba mula sa Espiritu Santo? Kung may tatlong magkakahiwalay, magkakaibang sentro ng emosyon at pag-iisip, lahat ng ito ay
manipestasyon ng iisang espiritu, iisang Diyos.
Ang naririnig at nakikitang manipestasyon ay naganap din sa Araw ng Pentecostes sa mga disipulo.
Mga Gawa 2: 1-4:
“At nang dumating nga ang araw ng Pentecostes, silang lahat ay nangagtipon sa isang dako. At biglang duma ting mula sa langit ang isang ugong na gaya ng sa isang humahagibis na hanging ma lakas at pinuno ang buong bahay na kanilang kinauupuan.
At sa kanila’y may nagpakitang mga dilang kawangis ng apoy, na nagkabaha- bahagi at dumapo sa bawat isa sa kanila. At silang lahat ay na ngapuspos ng Espiritu Santo at nangagpasimulang magsa lita ng iba’t ibang wika, ayon sa ipinagkakaloob ng Espiritu
na kanilang sinalita.”
Iyan ba ay naririnig o nakikita? Ito ay nakikita. At sila ay nagsalita ng iba’t ibang wika. Ito ay naririnig. Ilang mga espiritu ang dumapo sa mga disipulo? Isa sa naririnig at isa sa nakikita. Iyon din ang espiritu na makapagmamanipesto sa sarili sa
lahat ng panahon, naririnig man o nakikita. Mayroon tayo ngayong mas mainam na pagunawa.
Pag-aralan natin ang kabuuan ng Diyos. Ang Diyos ay Espiritu at ang Espiritu ay may Salita. Narinig ba ninyo ang Salita? Nakikita ba Ninyo ang Salita? Hindi ninyo nakikita ang Salita; naririnig ninyo ang Salita. Nakikita ba ninyo ang Espiritu? Hindi,
dahil ito ay hindi nakikita.
ANG DIYOS AY ESPIRITU
Sa Lumang Tipan, ang Diyos ay isang Espiritu (Juan 4: 24). Ito ay hindi nakikita; hindi nahahawakan ngunit Siya ay may Salita (Juan 1:1). At inyong maririnig ang Salita (Isaiah 55:10-11).
“Sapagkat kung paanong ang ulan ay lumalagpak at ang niyebe ay mula sa langit at hindi bumabalik doon, kundi dinidilig ang lupa at pinasisibulan at pinatutubuan ng halaman at nagbibigay ng binhi sa maghahasik at pagkain sa mangangain; magiging gayon ang
aking salita na lumalabas sa bibig ko — hindi babalik sa akin na walang bunga, kundi gaganap ng kinalulugdan ko at giginhawa sa bagay na aking pinagsuguan.”
Ipinadala Niya ang Ka nyang Salita. Ang utusan ng Ama ay ang Kanyang Salita. Ang Salita ay maaaring marinig ngunit hindi maaa ring makita. Sinabi ng Diyos, “Magkaroon ng liwanag.” Naganap ang Salita. Ang Salita ay lumikha ng liwanag. “Magkaroon ng kaligtasan.”
Lumikha ang Salita ng isang katawan. Kaya Siya ay nagsasalita ng mga bagay para sa kaganapan.
Mateo 1:18-21:
“Ang pagkapanganak nga kay Hesu Kristo ay ganito: Nang si Maria na Kanyang ina ay mag-asawa kay Jose, bago sila nagsama ay nasumpungang siya’y nagdadalantao sa pamamagitan ng Espiritu Santo. At si Jose na kanyang asawa, palibhasa’y lalaking ma tuwid at
ayaw na ihayag sa madla ang kanyang kapurihan ay nagpasyang hiwalayan siya nang lihim. Datapuwa’t samantalang ini isip ito ni Jose, ang isang anghel ng Panginoon ay nagpakita rito sa panaginip, na nagsabi, ‘Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa
pagtanggap kay Maria na iyong asawa sapagkat ang kanyang ipinagdadalantao ay sa Espitu Santo. At siya’y manganganak ng isang lalaki at ang pangalang itatawag mo sa kanya ay JESUS; sapagkat ililigtas niya ang Kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”
Bago pa man ikinasal sina Jose at Maria, si Maria ay nagdadalantao na. Kapag nag dalantao na ang iyong asawa bago kayo ikasal, ano ang iisipin mo? “Hindi pa nga kami naikasal, nagdadalantao na siya, ano’ng nangyari?” Noon, dahil isang kagalang-galang
na tao si Jose, sinubukan niyang hiwalayan si Maria nang pribado. Ngunit nang gabing iyon, isang anghel ang nagpakita sa kanya sa kanyang panaginip at nagsabi, “Jose anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa; sapagkat ang
kanyang ipinagdadalantao ay sa Espiritu Santo.”
Sino ang ama ng bata? Ang Diyos Ama, Diyos Anak, Diyos Espiritu Santo. Ngayon, nariyan ang Anak, nariyan ang Ama, nariyan ang Espiritu Santo. Maipakikita ba ninyo ang tunay na ama? Sino ang tunay na ama — ang unang persona o ang pangalawang persona? Sabihin
sa akin, mga Trinitarian, lahat kayong naniniwala sa tatlong diyos na paniniwala. Ito ay isang malaking problema sa kanila dahil naniniwala sila na ang unang persona ay ang Ama ng ikalawang persona, hindi ang pangatlong persona. Ngunit sa Mateo 1:21,
ang Espiritu Santo ang Ama. Bakit? Dahil ang Espiritu Santo ay ang Espiritu ng Diyos na naging Ama.
Ang Espiritu Santo ay naging Ama sa Bagong Tipan. Sa Bagong Tipan, ang Espiritu ang naglikha sa anak. Kaya ang Espiritu, naging Ama at ang Salita ay maaari nang marinig.
Juan 1:14: “At nagkatawang- tao ang Verbo at tumahan sa gitna natin.”
At ating namasdan ang Kanyang kaluwalhatian; ang kaluwalhatian bilang Bugtong na Anak; na naging Anak ng Ama na puno ng kabutihan at katotohanan. Ang Salita ay mayroon nang katawan. Kaya sa halip na tatawaging Salita ng Diyos, ngayon ito ay Anak ng Diyos.
1 Juan 1:1, Ang katawan ay ang Anak. Ang pinanggalingan ay siyang sa Espiritu o sa Ama. Na siyang mula sa simula ay Salita na naririnig lamang natin noon. Na nga yon ay atin nang nakikita.
Ngayon, kayo ay malaya na mula sa tatak ng halimaw, malaya na mula sa binhi ng serpente.
Karaw Craftventures kampeon sa 1st BPI Sinag business plan competition
Pinangunahan ng Bank of the Philippine Island (BPI) Foundation, sa pakikipagtulungan ng Ateneo Center for Social Entrepreneurship (ACSENT) at BPI Family Ka-Negosyo ang 1st BPI Sinag Pitch Day na ginanap kamakailan sa Alpha Tents, Makati City, kung saan
ay kinilala ang mga natatanging young social entrepreneurs.
Ang BPI Sinag ay isang business plan competition upang kilalanin ang mga young Filipino entrepreneurs na may social mission. Umabot sa mahigit 150 entries mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang nagpadala ng entry sa BPI Foundation at pumili ang 40 mula
sa Social Entrepreneurship Boot Camp at kinilala ang best top 10 para sa BPI Sinag Pitch Day.
“We knew that we wanted to tap and empower millennials — this young and energetic generation of idealists, doers and change makers, whose purpose is just as important as profi t,” sabi ni Fidelina Corcuera, Executive Director, BPI Foundation.
Ang top 10 fi nalists ay bini gyan ng pagkakataong ipagmalaki at ipakilala ang kanilang social enterprise business plans sa mga hurado na sina Jim Ayala, social entrepreneur na siya ring founder ng Hybrid Social Solutions, Inc.; Josiah Go, Chairman at
Chief Marketing Strategist of Mansmith and Fielders, Inc.; Chit Juan, nagtatag ng ECHOstore; Ramon Lopez, Go Negosyo Executive Director; Injap Sia, property developer at founder ng Mang Inasal at Mark Yu, CFO of SEAOIL Philippines.
Mula sa nangungunang sampu (top 10), kinilala ang top fi ve awardees na pinangunahan ng grand awardees na sina Paul Andrew Orpiada at Leciel Ramos ng Karaw Craftventures. Top 4 ang Bayani Brew nina Herxilia Protacia at Ron Dizon; CocoAsenso ni Asa Feinstein;
Plush and Play ni Fabien Courteille; Siglo ni Alvin Kingston Tan.
Napili ang top 5 awardees sa criteria na 20%, social impact and business model; 20%, market strategy and competitive analysis; 20% design and development plan; 20%, fi nancial plan; 10%, management and organizational plan; and 10%, pitch presentation
and summary of overall business plan. Ang top fi ve fi nalists ay tumanggap ng P200,000, sixmonth mentorship at access sa Ateneo Business Incubation Center. Samantalang ang grand awardee ay tumanggap ng P500,000 mula sa BPI Family Ka-Negosyo.
P200-M modernisasyon ng Malolos Central Terminal
Tuloy na ang proyektong modernisasyon ng Malolos Central Terminal matapos ang groundbreaking ceremony sa lugar na pinanguna han ng Pamahalaang Lunsod ng Malolos at Malolos Terminal and Commercial Hub, Inc., kamakailan. Ito rin ang hudyat ng kaunaunahang
Public-Private Partnership (PPP) sa Bulacan.
Ayon kay Mayor Christian Natividad, plantsado na ang mga detalye para sa nasabing proyekto para sa ligtas, maayos at mabilis na sistema ng transportasyon. Planong tayuan ng tatlong palapag na gusali ang nasabing terminal na unang binuksan noong 2009.
Bukod dito, lalagyan ng mga pasilidad na pasok sa konsepto ng pagiging Intermodal Terminal. Ibig sabihin, bukod sa mga dyip, magkakaroon ito ng pilahan para sa mga UV express van, mga tricycle at maging ang malala king bus ay uubrang pumasok.
“Sa lumalaking populasyon dito sa Malolos, dapat tinitingnan natin ang hinaharap na mas dadami pa ang tao kaya’t kailangang ihanda ang mga imprastraktura. Tapos na tayo sa pagpapalapad ng mga lansangan, naipuwesto na natin ang footbridges sa mga istratehiyang
lugar, lalo na sa tapat ng mga paaralan at ngayon, prayoridad naman ang isang mas sistematikong Malolos Central Terminal,” ani Mayor Natividad.
Base sa plano, mahigit 100 pampublikong sasakyan ang puwedeng gumamit nito nang salitan sa bawat oras ng pagsasakay. Dahil walang gagastusin ang pamahalaang lunsod para sa proyekto, ang napiling pribadong sektor na Malolos Terminal and Commercial Hub,
Inc. ang mamumuhunan sa pagpapatayo sa loob ng 25-taong panahon na konsesyon sa ilalim ng sistemang Built-Operate-Transfer (BOT). Tiniyak naman ni Mayor Natividad na hindi magmamahal ang singil sa mga operator ng mga pampublikong sasakyan.
“Hindi sa toll kukuhanin ang babawiing kita ng pribadong sektor. Mananatili kung magkano ang singil sa bawat dyip o UV dahil may ibang pagkukuhanang kita ang makukuha nating concessionaire,” wika ni Natividad.
Sa itatayong 2 palapag na gusali sa loob ng terminal, ang unang palapag ay magiging tanggapan ng pamahalaang lunsod tungkol sa transportasyon at city police. Ang ikalawang palapag ay magiging tanggapan ng concessionaire samantalang ang malaking bahagi
ay pauupahan sa Starbucks at 7-Eleven. Bukod dito, ang mapipiling concessionaire ang magtatayo rin ng Twin Tower na magiging pasilidad para sa mga call center at iba pang Business Processing Outsourcing (BPO).
Matatandaang kabilang ang Malolos sa Top Next Wave Cities ng Cyber Corridor. Aabot sa 2-ektaryang lupa ang gagamitin para sa proyekto na bahagi ng 10-ektaryang lupang ipinagkaloob ni dating Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo noong 2004 mula sa lupang
sakop noon ng Philippine Information Agency (PIA).
Kaugnay nito, magkakaroon ng hiwalay na footbridge para sa nasabing Manila Central Terminal na bahagi ng konsesyon na direktang nakadugtong sa loob mismo ng main campus ng Bulacan State University (BSU).
May tanda ng buhay sa planetang Pluto
Ang ating galaxy na kung tawagin ay Milky Way ay binubuo nang milyun-milyong planeta na iba’t iba ang laki o sukat. Bukod dito, mayroon namang mga solar system sa loob ng Milky Way at isa na nga ang solar system na kinaroroonan ng ating planetang Daigdig.
Sa pinakasentro ng ating solar system ay ang sun o araw na nagbibigay ng init at liwanag sa Daigdig. Umiikot ang Earth sa palibot ng araw sa loob ng isang taon at kasamang umiinog ng Daigdig sa solar system ang iba pang mga planeta tulad ng Mars, Venus,
Mercury, Uranus, Pluto, Neptune at Saturn. Ang planetang Mars ay narating na ng unmanned spacecraft na Curiosity ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ng Amerika. Ang nasabing Curiosity ay may dalawang taon nang nananatili sa Mars.
Ito rin ang kumukuha ng mga larawan sa Mars. Sa rami ng mga larawang kuha ng Curiosity ay wala pang buhay na nilalang na nakuhanan ng camera niyon, kundi pawang mga bato, buhangin at matataas na bundok lamang at ni kapatak na tubig ay wala man lang nakita
ang camera ng nasabing spacecraft.
Ang isa pang planeta na nakuhanan ng larawan nang malapitan ng isa pang spacecraft ng NASA ay ang Pluto. Sa pamamagitan ng New Horizons spacecraft ay nakuhanan ng dala nitong camera ang nagyeyelong tubig at kulay asul na kalawakan sa atmospera ng Pluto
kahit malayu- layo pa ito sa nasabing planeta. Ang New Horizon ay umalis ng Earth noong 2006, kung saan ay magtatapos ang journey nito sa Pluto sa taong 2026, ayon sa NASA.
Samakatuwid, may buhay sa nasabing planeta kung may tubig doon. Lamang, napakalamig ng temperatura sa Pluto at imposibleng may mga nilalang na nabubuhay sa nagyeyelong lamig ng nasabing planeta, na aabot sa ilang bilyong kilometro ang layo sa planetang
Daigdig. Pero sino ang makapagsasabi na walang nilalang na nabubuhay sa Pluto sa kabila ng napa kalamig na temperatura roon? Ang bawat planeta sa solar system na nilikha ng Diyos ay may mga kabuluhan. Malay natin na isa sa nasabing mga planeta sa solar
system, maging sa loob ng Milky Way ay may mga nilalang na nabubuhay? Tanging ang Diyos lamang ang nakababatid ng lahat ng bagay na kanyang nilikha.
Gumuguho na ba ang political party system?
Ito ang katanungan sa isipan ng marami nating kababayan matapos matunghayan ang ilang kaganapang pulitikal sa bansa. Ang mga pulitiko ay palipat-lipat ng partido. May mga naglalabang magkakapartido. May partidong sumusuporta sa magkakatunggaling kandidato.
Sa national level ay nakagugulat na dalawang partido pa lamang ang may li nyada para sa pagkapangulo at pagkapangalawang pa ngulo. Ang mga ito ay ang Mar Roxas-Leni Robredo team ng Liberal Party (LP) at Binay-Honasan tandem ng United Nationalist Alliance
(UNA).
Ang naunang pares na sina Grace Poe-Chiz Escudero ay walang partido at iginiit na hindi bubuo o pasaiilalim sa isang partido. Nagdeklara na rin ng kanilang mga kandidatura para sa pangalawang pagkapangulo sina Senador Antonio Trillanes, Senador Allan
Peter Cayetano at Senador Bongbong Marcos na pawang kasapi sa Nacionalista Party (NP). Ayon sa mga pinuno ng NP, ang tatlong kasapi ay kanilang susuportahan. Kung papaano ay hindi nila nilinaw sapagkat kitang-kita ang kawalan ng pagkakaisa ng kanilang
partido.
Marami rin ang nagulat sa isinagawang convention ng grupong Magdalo, kung saan ay pormal nilang idineklara ang pagtakbo ni Trillanes bilang bise presidente. Ang napili nilang suportahan sa pagkapangulo ay si Poe na bagaman at hindi nakadalo sa okasyon
ay pinapunta ang panganay na anak na si Bryan Llamanzares. Nagbigay rin ng mensahe si Poe sa mga kasapi ng Magdalo sa pamamagitan ng audio visual presentation. Samantala, may iba pang kaganapan na nagpapakita ng pagguho ng political party system. Halimbawa
ay ang deklarasyon ng maimplu wensiyang political leaders sa Bicol Region, kabilang ang Pamilya Villafuerte, na ang ikakampanya nila ay ang tambalang Poe (Independent) – Robredo (LP). Sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Pangasinan,
La Union at Ilocos, maraming grupo at partidong lokal ang nagsusulong ng Binay (UNA) – Marcos (NP) tandem. Ito diumano ang patunay na buhay pa ang tinaguriang Solid North.
Sa Gitnang Luzon naman ay unti-unting nabubuo ang alyansa ng iba’t ibang grupo, pangunahin ang nagmula sa sektor ng kabataan, na ikinakampanya ang team Poe (Independent) – Cayetano (NP).
Sa ngayon ay wala pang linaw ang political fi eld sapagkat hindi pa kumpleto ang talaan ng mga kandidato. Marami pa ang puwedeng mangyari, lalo na at napatuna yan na hindi ba lakid ang pagkakaiba ng partido upang magsamasama ang mga kandidato.